--Ads--

CAUAYAN CITY – Walong evacuation centers ang nananatiling bukas sa region 2 dahil sa epekto ng naranasang matinding pagbaha.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Francis Joseph  Reyes, Information Officer ng Office of Civil Defense (OCD) region 2, sinabi niya na 251 families na binubuo ng mahigit 800 individual ang nananatili sa walong evacuation centers sa Isabela, Cagayan at Quirino.

Sa Tuguegarao City ay  nanatiling nasa evacuation center ang 194 families o 630  na individual habang sa Lunsod ng Ilagan ay pitung pamilya o 27 na tao ang nananatili sa tatlong evacuation centers.

Samantala, ang buong komunidad sa San Pugo, Nagtipunan, Quirino ay inilikas dahil sa pagkakaroon ng malalaking bitak sa lupa na kinatatayuan ng kanilang mga bahay dulot ng naging tuluy-tuloy na pag-ulan noon.

--Ads--

Umabot sa 50 pamilya ang inilipat sa ligtas na lugar.

Sinabi pa ni Ginoong Reyes na nakapagtala sila ng 54 na bahay na totally damaged at 247 ang partially damaged na bahay.

Halos isang billion pesos naman ang halaga ng mga nasira sa agrikultura habang sa livestock ay may nalunod na 4,875 heads na aabot sa halagang 11 million pesos.

Umabot naman sa 50 million pesos ang halaga ng mga napinsala sa  sektor ng fisheries dahil  may mga fish cages na nasira sa naganap na pagbaha.

Sa talaan naman ng Department of Public Works and Highways (DPWH) region 2 ay umabot sa 3. 9 billion pesos ang  pinsala sa mga national roads habang sa mga municipal at barangay  roads ay nagtala ang Isabela at Cagayan ng 345 million pesos.

Nagtala naman ang National Irrigation Administration (NIA) ng 183 million na pinsala sa mga irrigation facilities habang ang Department of Education (DepEd)  ay nagtala ng mga nasirang pasilidad kabilang na ang mga learning materials na nagkakahalaga ng  121 million pesos.

Ang ilang barangay sa Amulung, Cagayan ay wala pang suplay ng kuryente habang sa Isabela ay naibalik na ang daloy  ng kuryente.

Sa suplay ng inuming tubig ay nagkukulang ngayon sa mga bayan Alcala, Amulung, Iguig  Enrile at Lunsod ng Tuguegarao sa Cagayan.

Ang pahayag ni Information Officer Francis Joseph Reyes.