--Ads--

CAUAYAN CITY– Nasa 24 na munisipyo at dalawang lunsod na nasasakupan ng 95th Infantry Battalion Philippine Army ang nagdeklarang persona non grata ang Commmunist Part of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Lemuel Baduya, Commanding Officer ng 95th Infantry Battalion Philippine army, sinabi niya na sa kasalukuyan ay tuloy tuloy ang kanilang mga programa laban sa insurhensiya at nasa transformation at sustainment phase ang kanilang kampanya katuwang ang Security sector at lokal na pamahalaan.

Inihayag din ni Lt. Col. Baduya na wala silang namomonitor na mga unibersidad at pamatasan sa kanilang nasasakupan na ginagawang recruitment haven ng CPP-NPA.

Aniya,nanatiling matatag ang relasyon ng militar sa mga unibersidad at pamantasan sa Isabela.

--Ads--

Patuloy rin ang livelihood programs ng ibat ibang ahensiya ng pamahalaan para sa isang daan dalawampu’t pitong rebel returneees na nasa pangangalaga ng kanilang unit gayundin sa mga kasalukuyang naninirahan sa happy ville ng 5th Infantry Division Philippine Army.

Nanawagan naman ang militar sa mga kasapi makakaliwang grupo na patuloy sa kanilang armadong pakikibaka na bukas ang pamahalaan para tanggapin sila at tulungan sa kanilang pagbabagong buhay.

Ang bahagi ng pahayag ni Lt. Col. Lemuel Baduya