--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang ginang matapos siyang mabangga kagabi ng isang sasakyan sa daan sa Oscariz, Ramon, Isabela.
Nakilala ang biktima na si Catherine Ramirez, 29 anyos at residente ng Oscariz, Ramon, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Rescue Team ng Ramon, Isabela, isinugod pa ang ginang sa isang ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician dahil sa mga tinamong malalang sugat sa katawan.
Isang owner type jeep ang sinasabing nakabangga sa kay Gng. Ramirez.
--Ads--
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Ramon Police Station upang matukoy kung sino ang drayber ng sasakyang nakabangga sa biktima at tumakas matapos ang pangyayari.










