CAUAYAN CITY – Dinala sa City Of Ilagan Police Station ang tatlong katao matapos na maaktuhang iligal na nagsusugal sa Brgy. Manaring , Ilagan City.
Kabilang sa mga dinakip ay ang 42 anyos na, isang senior citizen at isang 37 anyos na ginang na pawang residente ng nabanggit na brgy.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan,inaresto ang mga suspek makaraang makatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa isang concerned citizen kaugnay sa nagaganap na pagsusugal na agad nilang tinugunan.
Nakatakas naman ang 10 iba pang nagsusugal makaraang matunugan ang operasyon ng mga pulis.
Nakuha sa lugar ang limang set ng baraha, mahigit siyam naraang pisong cash, apat na lamesa at sampong piraso ng mono-block chair .
Ang mga suspek ay mahaharap asa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (Anti-Illegal Gambling Law).











