CAUAYAN CITY-Tatlong lalaki ang inaresto sa isinagawang drug buy bust operation na pinangunahan ng Regional Drug Enforcement Unit katuwang ang PDEA region 2 at Cauayan City Police Station.
Ang mga inaresto ay sina Eugenio Baligod, 28 anyos, ; Apolinario Lopez, 47 anyos residente ng Rizal, Santiago City at Juancho De Leon, 45 anyos, residente ng Rizal, Santiago City ngunit pansamantalang nakatira sa Cabaruan, Cauayan City.
Nasamsam sa tirahan ni De Leon at mga tauhan na sina Baligod at Lopez ang isang sachet ng hinihinalang shabu, anim na libong pisong drug buy bust money at mga drug paraphernalia.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni De Leon na nagnenegosyo siya ng yelo dito sa Lunsod ng Cauayan at wala umanong binebentahan ng illegal na droga.
Ngunit inamin niya na gumagamit siya ng illegal na droga.












