
CAUAYAN CITY – Arestado ang tatlong kalalakihan sa isinagawang drug buy bust operation ng mga kasapi ng Echague Police Station sa Libertad, Echague, Isabela.
Ang mga pinaghihinalaan ay itinago sa mga pangalang Roy na mula sa Nagassican, Santiago City, Robert ng San Fabian, Echague, Isabela at Rowel na mula naman sa lunsod ng Ilagan.
Nakipagtransaksyon ang tatlo sa isang pulis na nagpanggap na poseur/buyer na nagresulta ng kanilang pagkakahuli.
Nakuha sa kanilang pag-iingat ang tatlong sachet na naglalaman ng hininalanag shabu, isang sachet na naglalaman ng marijuana, dalawang lighter, isang bala ng shotgun, limang daang piso na buybust money at mga drug paraphernalia.
Mariin namang itinanggi ng isa sa mga pinaghihinalaan na sa kanila ang mga naturang shabu.
Gayunman ay mayroon umano silang bagong kakilala at sa kanya galing ang mga nakuha sa kanilang iligal na droga.
Dinala na sa Echague Police Station ang tatlo para sa kaukulang disposisyon.










