--Ads--

CAUAYAN CITY Bagsak sa kulungan ang tatlong menor de edad dahil sa pag-iingat ng hinihinalang dahon ng Marijuana sa lunsod ng Santiago.

Ang mga pinaghihinalaan ay sina Jay, Michael, at Dennis, di tunay na pangalan, pawang estudyante at residente ng Planas, Ramon, Isabela.

Nagsasagawa ang mga kasapi ng Presinto Uno ng Anti Criminally sa African Swine Fever (ASF) checkpoint sa Brgy. Ambalatungan nang dinakip ang mga pinaghihinalaan dahil sa paglabag sa Republic Act 11332 may kaugnayan sa Curfew Hours.

Nang kapkapan ay nakuha sa baywang ni Michael ang isang rolyo ng papel na hinihinalang naglalaman ng pinatuyong dahon ng Marijuana at nagkakahalaga ng limang daang piso.

--Ads--

Dahil dito, karagdagang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kakaharapin ni Michael.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, hindi itinanggi ng mga pinaghihinalaan ang paggamit sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Michael. nabili niya ang kontrabando sa online sa pamamagitan ng Dead Drop.

Aminado rin ang mga suspek na bukod sa paggamit ng Marijuana ay umiinom din sila ng alak.

Tinig ni Michael.