--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na inoobserbahan ang tatlong buwang gulang na sanggol mula sa Naguilian Norte, Lunsod ng Ilagan matapos na mahawaan ng kanyang ina na isa sa 11 guro na nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Ang sanggol ang pinakabatang kinapitan ng COVID-19 sa Lunsod ng Ilagan.

Bukod sa anak na sanggol ay nagpositibo rin ang mister ng guro .

Nasa maayos na kalagayan ang mag-asawa at kanilang sanggol na nasa LGU Quarantine Facility sa Lunsod ng Cauayan.

--Ads--

Samantala, muling nakapagtala ng 9 na bagong kaso ng COVID-19 ang Lunsod ng Ilagan batay sa talaan ng Department of Health (DOH) region 2.

Mahigit 200 na ang mga tinamaan ng COVID-19 sa Lunsod ng Ilagan dahil sa local transmission sa ilang barangay.

Patuloy na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Lunsod ng Ilagan at umaasa ang pamahalaang lunsod na magbubunga ang mga ginagawang hakbang upang mapigilan na ang pagkalat ng virus .