--Ads--
Tatlong katao ang nasawi habang lima naman ang nasugatan matapos ang pamamaril na naganap sa loob ng San Jose National High School sa Tacloban City kaninang umaga, Hunyo 22.
Ayon sa Police Regional Office 8 (PRO-8), agad na naaresto ang isa sa mga suspek habang nagpapatuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa isa pa nitong kasamahan na nakatakas.
Isinugod naman sa ospital ang mga biktima upang mabigyan ng agarang lunas. Nagtalaga rin ng karagdagang puwersa ng pulisya sa paaralan upang tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante at guro.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa insidente.
--Ads--











