--Ads--

CAUAYAN CITY – Lima na ang overflow bridges sa Isabela na hindi madaanan dahil sa pagtaas ng water level ng Cagayan River bunsod ng mga pag-ulan.

Kabilang sa mga hindi madaanan ang Baculod overflow bridge sa Lunsod ng Ilagan, Alicaocao overflow bridge sa Cauayan City at Turod-Bangkero overflow bridge sa Reina Mercedes, Isabela, Gucab bridge sa bayan ng Echague at mga overflow bridges sa Sta. Maria at Sto. Tomas, isabela.

Simula kahapon ay may mga otoridad na nagbabantay sa naturang mga tulay upang matiyak na walang tatawid na mga mamamayan.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer (PDRRMO) Ret. Gen Jimmy Rivera na patuloy na binabantayan ng mga pulis at opisyal ng barangay ang ilan pang overflow bridges sa Isabela na posibleng hindi madaanan sa mga susunod na oras dahil sa patuloy na pag-ulan.

Sinabi pa ni Rivera na nakahanda ang mga rescue teams ng PDRRMO na maaaring tumulong sa mga mamamayan na posibleng maapektuhan ng pagbaha lalo na ang mga nakatira malapit sa mga ilog at sapa at ang mga nakatira sa mga mababang lugar.

Ang pahayag ni Ret Gen Jimmy Rivera.