CAUAYAN CITY- Pinatotohanan ng pamunuan ng Quirino Police Provincial Office (QPPO) na tatlong pulis sa kanilang nasasakupan ang ipinadala sa lalawigan ng Basilan dahil sa kinasangkutan nilang kaso.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Supt. Merwin Quarteros, Provincial Director ng QPPO na ang dalawa sa kanila ay mula sa lalawigan ng Cagayan habang ang isa na may ranggong P/Senior Inspector ay nagmula sa Isabela.
Anya bago pa man naitalaga sa QPPO ang tatlo ay may mga kinakaharap na silang kaso.
Ang Police Senior Inspector ay dating naitalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Isabela bago siya naitalaga sa Quirino Police Provincial Office.
Ang 3 police scalawags ay napabilang sa mga tiwaling pulis na ipinadala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Basilan.