Arestado ang isang 32-yrs old na babae na kabilang sa listahan ng mga wanted person matapos ipatupad ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa kanya sa Lungsod ng Cauayan.
Batay sa ulat ng pulisya, bandang 8:30 ng gabi nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Cauayan City Police Station Manhunt Tracker Team, kasama ang mga tauhan ng iba pang police units.
Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng asong Adultery.
Ayon pa sa pulisya, ang naturang warrant ay inilabas noong Hulyo 30, 2026 ng Municipal Trial Court in Cities sa Cauayan City, Isabela, na may itinakdang ₱36,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Matapos ang pagkakaaresto, dinala ang suspek sa Cauayan City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at iba pang proseso ng pulisya.
Samantala, ayon sa ulat ng pulisya, ngayong araw ay nakalaya ang suspek matapos magbayad ng ₱36,000 na piyansa, batay sa inilabas na Order of Release ng korte.
Patuloy naman ang pagpapatupad ng mga awtoridad sa mga umiiral na warrant of arrest laban sa mga wanted person sa lungsod.
Home Police Report
32-anyos na babae, arestado sa Cauayan City dahil sa kasong adultery
--Ads--






