--Ads--

Naghatid ng maagang pamasko ang SexBomb Girls sa kanilang mga tagahanga matapos ilabas ang bagong Christmas single na “Paskowariwap.”

Ayon kay Rochelle Pangilinan, handog nila ang kanta bilang pasasalamat sa walang sawang suporta ng kanilang fans kasunod ng matagumpay na reunion ng grupo.

Inilarawan niya ang awitin bilang puno ng pagmamahal, pasasalamat at masasayang alaala.

Matatandaang muling nagsama-sama ang grupo noong Disyembre 2025 para sa reunion concert at nagsagawa rin ng international tour sa Australia at United States.

--Ads--