--Ads--

CAUAYAN CITY– Umabot na sa 34 ang gumaling mula sa 40 na kabuuang confirmed COVID-19 cases sa Santiago City batay sa ipinalabas na talaan ng City Government noong Huwebes, September 17, 2020.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan mula sa opisyal na talaang isinapubliko ng City Government nasa 40 ang total confirmed COVID 19 case sa lunsod matapos maitala ang sunud-sunod na tatlong nagpositibo sa virus mula sa mga nagdaang araw.

Sa nasabing bilang ay 34 na ang gumaling habang umabot sa 6 ang active cases matapos maidagdag sina CV771, CV810 at CV1033 na nasa pangangalaga pa rin ng LGU quarantine and isolation facility.

Ang 3 unang active cases ay sina CV976, CV999 at CV1019 na nasa pangangalaga ng Southern Isabela Medical Center (SIMC) at patuloy na inoobserbahan.

--Ads--