--Ads--

CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa Isabela ang 34 na panibagong aktibong kaso ng COVID 19, kaya umakyat na sa 195 ang kabuoang kaso ng virus sa lalawigan.

Sa naturang bilang 9 ang naitala sa bayan ng Naguilian Tig-lilima sa Ilagan City at Gamu , 4 sa Cauayan City, dalawa sa San Mariano Isabela, tig-isa sa bayan ng Mallig, Reina Mercedes at Ramon.

Tatlo sa mga aktibong kaso ay Returning Overseas Filipino, lima ang Non-APOR, 14 ang health worker, 6 na pulis at 167 ang mula sa local transmission.

Sa kabila ang naitatalang aktibong kaso ay mas marami ang naitalang recovereis sa lalawigan ngayong araw na pumalo sa 38.

--Ads--

Patuloy parin ang paalala ng mga kinauukulan sa publiko na sundin ang mga ibinababang health protocol para maiwasan ang virus.