--Ads--

Pinaigting ng Cauayan City ang pagpapatupad ng mga batas at regulasyon sa trapiko upang mapanatili ang maayos na daloy ng mga sasakyan at mapalakas ang kaligtasan ng mga motorista, pedestrian, at iba pang road users.

Ayon kay Public Order and Safety Division Officer Marjorie Fuertes ng POSD-Cauayan City, kabilang sa mga isinagawang hakbang ang pag-isyu ng 35 Temporary Operator’s Permit o TOP sa mga nahuling lumabag sa mga panuntunan sa trapiko, alinsunod sa mga regulasyon ng Land Transportation Office o LTO.

Samantala, umabot naman sa 44 na operasyon ang isinagawa ng POSD gamit ang mga patrol vehicle, motorsiklo at traffic personnel upang tumulong sa pagmamando ng trapiko at pagpapanatili ng seguridad sa iba’t ibang aktibidad sa lungsod.

Patuloy namang hinikayat ng POSD ang mga motorista na sumunod sa mga umiiral na batas trapiko upang maiwasan ang aksidente at mapanatili ang ligtas at maayos na paggamit ng mga kalsada.

--Ads--