--Ads--
Nakararanas ang Isla ng Batanes ng may kalakasang hangin na dulot ng bagyong Inday.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Officer Roldan Esdicul, sinabi niya na bagama’t papalayo na ang bagyo ay nahahatak naman nito ang habagat na nagdudulot ng paminsan-minsang mga pag-ulan at malalakas na hangin o sea breeze sa kanilang lugar.
Aniya, ang malakas na hangin sa Batanes ay nakapapaminsala sa pananim na gulay at root crops ng mga magsasaka.
Sa kasalukuyan ay nakataas pa rin ang gale warning sa Batanes at nananatiling hindi pinahihintulutan ang biyahe ng mga sasakyang pandagat at panghimpapawid.
--Ads--
Dahil dito ay mayroong 35 na turista kabilang ang isang foreigner ang stranded sa Isla.











