--Ads--
Iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na namataan nito ang kabuuang 36 barko ng China sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS) mula Mayo 19 hanggang Mayo 25.
Ayon kay AFP WPS spokesperson Rear Adm. Roy Vincent Trinidad nitong Martes, kabilang sa mga barkong na-monitor ang mula sa People’s Liberation Army Navy (PLAN) at China Coast Guard (CCG).
Kasama rito ang 10 PLAN at siyam na CCG sa Bajo de Masinloc, isang PLAN at walong CCG sa Ayungin Shoal, dalawang PLAN at tatlong CCG sa Escoda Shoal, at dalawang PLAN at isang CCG sa Pag-asa Islands.
Mas mataas ito kumpara sa na-monitor na 27 barko ng China mula Mayo 12 hanggang Mayo 18.
--Ads--











