--Ads--

Inilarawan ni Senator Robin Padilla bilang edukado, maginoo at diretsong kausap si Chinese Ambassador Jing Quan matapos silang magkita sa isang business forum.

Sa kaniyang Facebook post, sinabi ni Padilla na mas mainam ang personal na pag-uusap upang maiwasan ang hidwaan at mapanatili ang kapayapaan.

Kasalukuyang nahaharap sa batikos si Jing matapos sabihin na madaling mananalo ang China kung gagamit ito ng puwersa sa West Philippine Sea, bagama’t iginiit niyang hindi ito gagawin ng kanilang bansa.

Dahil dito, ipinatawag si Jing ng Department of Foreign Affairs, habang naghain sina Senators Erwin Tulfo at Risa Hontiveros ng mga resolusyong naglalayong ideklara siyang persona non grata.

--Ads--

Nauna ring sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tila banta ang pahayag ng embahador at hindi ito angkop na pananalita para sa isang diplomat.