--Ads--

Nakapag-monitor ang Philippine Navy ng nasa 54 na mga Chinese Vessels sa 4 na maritime features sa West Philippine Sea sa nakalipas na linggo, October 20 hanggang 26.

Sa Bajo de Masinloc namataan ang 11 Chinese Coast Guard Vessels at 6 na People’s Liberation Army Navy ships habang sa Ayungin Shoal naman ay namataan ang 7 CCGVs at 7 rin na PLAN vessels ng China.

Samantala, 16 naman na mga barko ng China ang namataan sa Pag-asa Islands at 7 Chinese Vessels ang namataan naman sa Escoda Shoal.

Tiniyak naman ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na patuloy ang kanilang pagbabantay sa teritoryo at soberanya ng bansa alinsunod sa umiiral na international law at layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

--Ads--