--Ads--

CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa Isabela ang 37 panibagong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 13 sa mga bagong kaso ang mula sa Ilagan City, 8 sa Cauayan City, 5 sa Santiago City, 4 sa Reina Mercedes, 3 sa Roxas at tig-iisa sa San Mariano, Echague, Naguillian at Aurora.

Dahil dito nasa apat na raan at apatnapu’t lima ang aktibong kaso sa Isabela.

Sampo ang Returning Overseas Filipinos, 17 ang non-authorized persons outside residence, 43 ang Health Worker, tatlo ang pulis at 372 ang mula sa local transmission.

--Ads--

Magandang balita naman dahil tatlumpu’t isa ang naidagdag sa mga gumaling.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi mahalaga ang pupuntahan.