--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy na pinaghahanap ang 38 na Filipino seafarers na kasama sa 43 crew ng livestock ship na lumubog sa Japan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Hans Leo Cacdac, sinabi niya na patuloy pa rin ang search and rescue operations na isinasagawa ng Japan Coast Guard.
Sa 39 na Pinoy seafarers na kabilang sa mga crew ng lumubog na barko ay may isa nang narescue at nagpapagaling na sa ospital.
Sinabi ni OWWA Administrator Cacdac na natukoy na ang 38 na Filipino seafarers at ipinapabatid na nila sa kanilang pamilya.
--Ads--
Naniniwala ang OWWA na buhay pa ang mga nawawalang Pinoy.
Ang Gulf Livestock 1 ay naglalayag patungong Jintang, China nang maganap ang sakuna.










