--Ads--

CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa Isabela ang tatlumpu’t siyam na panibagong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, tig-siyam sa mga bagong kaso ang mula sa lunsod ng Cauayan at bayan ng Tumauini, pito sa lunsod ng Ilagan, tig-aapat sa San Mariano at Naguilian, tig-dadalawa sa Benito Soliven at Cabagan habang tig-iisa sa Luna at San Mateo.

Pito naman ang naidagdag sa mga gumaling at nasa 349 ang aktibong kaso sa Isabela.

Isa ang Returning Overseas Filipinos , tatlo ang non-authorized persons outside residence , sampo ang Health Worker, dalawampu’t walo ang pulis at 298 ang mula sa local transmission.

--Ads--

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.