--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagdulot ng pangamba sa mga residente sa Ambaguio, Nueva Vizcaya ang 4.2 magnitude na lindol na naganap kaninang 8:17 ng umaga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Robert Corpuz ng Nueva Vizcaya na naitala ang epicenter ng lindol sa bayan ng Ambaguio.

Hinihintay pa nila ang report ng pamahalaang lokal ng Ambaguio at mga karatig na lugar na niyanig ng lindol.

Ang pahayag ni PDRRMO Robert Corpuz.

Sinabi naman ni PCapt. Manny Paul Pawid, hepe ng Ambaguio Police Station na agad silang lumabas sa kanilang police station gayundin ang mga residente mula sa kanilang bahay matapos na maramdaman ang 4.2 magnitude na lindol.

--Ads--

Wala namang naitalang pinsala at casualty sa lindol.

Dakong 5:42 kahapon, August 27, 2020 nang maramdaman ang magnitude 3.5 na lindol sa Nueva Vizcaya.