CAUAYAN CITY -Inaresto ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station at ikinulong ang apat katao matapos maaktuhang nagsusugal sa harapan ng isang bahay sa Purok 6, District 3, Cauayan City.
Ang mga naarestong suspect ay kinabibilangan ng dalawang lalaki at dalawang babae na pawang nasa tamang edad at residente ng nabanggit na lugar.
Nauna rito ay nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned Citizen ang mga kasapi ng Cauayan City Police Station kaugnay sa nagaganap na pagsusugal sa nabanggit na lugar.
Kaagad namang tinugunan ng pulisya ang naturang sumbong at naaktuhan ang mga suspect na nagsusugal.
Nasamsam ang mga upuan, mesa, isang set ng baraha at bet money na ginamit sa pagsusugal
Dinala sa himpilan ng pulisya ang apat na suspect at ihahanda na ang kasong pagbalag sa Presidential Decree 1602 (Illegal Gambling Law) laban sa kanila.










