--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang apat katao matapos salpukin ng kotse ang isang van habang nagpapagasolina sa isang gasolinahan sa  Brgy. San Nicolas extension, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang tsuper ng kotse na si Michael Arnigo Mercado, 45 anyos at residente ng Purok 3, Barangay Salvacion Bayombong, Nueva Vizcaya habang ang van naman ay minanaheho ni Jeg Jeg Wassig DongDongan, 33 anyos at residente ng Bayabat, Dilag, Tabuk City, Kalinga.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Bayombong Police Station makikita CCTV footage na  habang nagpapagasolina ang van sa nasabing lugar ay biglang sinalpok ito ng kotse na mula sa Maharlika Highway.

Nagreslta ang insidente upang masugatan ang tsuper ng kotse na agad naman isinugod sa pagamutan ng mga rumispondeng BFP personnel habang nagtamo din ng minor injuries ang mga lulan ng van na sina Jefferson Palacio Bataec, 23 years old, isang 17 anyos na dalagita na residente ng Itogon Benguet at Divina Baggus Gammwi, 31 anyos na residente ng Lacnog, Tabuk City, Kalinga.

--Ads--

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad kaugnay sa insidente.