Mag-uunahan ang apat na koponan para sa 1-0 lead sa kani-kanilang best-of-seven semifinals series sa Season 50 PBA Commissioner’s Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.
Maghaharap ang sister teams TNT Tropang 5G at Meralco ngayong alas-5:15 ng hapon, habang sa alas-7:30 ng gabi magtutuos ang Barangay Ginebra at Rain or Shine.
Kinuryente ng Bolts ang nagdedepensang Tropang 5G, 110-106, noong Abril 7 sa kanilang unang bakbakan sa eliminations.
Sasandigan ng Tropang 5G sina import Bol Bol, Calvin Oftana, Roger Pogoy, Jayson Castro, Kelly Williams at Henry Galinato.
Itatapat ng Bolts sina reinforcement Marvin Jones, Chris Newsome, CJ Cansino, Jason Brickman, Bong Quinto at Cliff Hodge.
Pag-aagawan din ng Gin Kings at Elasto Painters ang 1-0 bentahe sa kanilang serye.
Nilasing ng Ginebra at Rain or Shine sa una nilang pagtutuos sa elimination round, 114-90, noong Mayo 3.
Sinibak ng Elasto Painters ang San Miguel Beermen, 113-104, sa quarterfinals bago labanan ang Gin Kings sa semis.





