--Ads--

CAUAYAN CITY– Binabantayan ngayon ng UP-OCTA research group ang apat na lalawigan sa bansa dahil sa bahagyang pagtaas ng naitatalang kaso ng COVID 19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Guido David, Professor at miyembro ng UP-OCTA research group, sinabi niya na kabilang sa mga nakapagtala ng bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang mga lalawigan ng Mountain Province, Kalinga, Cebu at Iloilo

Aniya nakitaan nila ng rate of increase sa virus ang naturang mga lugar na may pagkakatulad sa mga bansang unang nakapagtala ng UK variant.

Ayon kay Dr. David, kailangan na matutukan ang naturang mga lalawigan upang maisailalim sa Genome Sequencing.

--Ads--

Samantala nakitaan na rin ng bahagyang pagbaba ng weekly cases ng COVID 19 ang Isabela at Cagayan.

Inihayag ni Dr. David sa kabila ng pagbaba ng kaso ay hindi ito nangangahulugan na kontrolado na sa naturang mga lalawigan ang virus.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Guido David