--Ads--

Apat na tauhan ng Philippine Air Force (PAF) ang nasawi matapos magbanggaan sa himpapawid ang dalawang military training aircraft habang nagsasagawa ng formation flight sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas, nitong Biyernes, Oktubre 23, 2026.

Kabilang sa nasangkot sa insidente ang dalawang SF-260 training aircraft na may tail numbers na 032 at 037. Batay sa ulat ng militar, nagdikit ang dalawang eroplano habang nasa himpapawid bago tuluyang bumagsak.

Kinilala ang mga nasawi bilang dalawang first lieutenant, isang captain at isang major.

Samantala, ligtas na nakabalik at nakalapag sa air base ang lima pang aircraft na kalahok sa parehong formation training flight.

--Ads--

Ayon kay PAF Spokesperson Col. Alvin Jay Capinguian, agad na inilunsad ang mga emergency response protocol upang matiyak ang seguridad sa lugar ng pagbagsak at masuri ang insidente.

Bubuo rin ang PAF ng isang specialized safety investigation board upang matukoy ang eksaktong sanhi ng nakamamatay na banggaan sa himpapawid.