--Ads--

CAUAYAN CITY– Muling nakapagtala ng 40 panibagong kaso ng COVID 19 ang lalawigan ng Isabela ngayong araw.

Dahil sa panibagong mga kaso umakyat na sa 561 ang kabuuang aktibong kaso ng virus, nadagdagan naman ng limampu ang mga gumaling, habang walumpu’t isa naman ang nasawi.

Pinaka-maraming naitalang kumpirmadong kaso ng virus sa Santiago City na may 17, sinundan ng Angadanan na may 4.

Nakapagtala ng tig-tatatlong kaso ang Cabatuan ,City of Ilagan , Naguillian, at San Mariano.

--Ads--

May dalawang kaso naman mula sa Sto. Tomas, habang may tig-iisang kaso ang Alicia, Cauayan City, Echague, Ramon, at Tumauini.

Isa ang returning overseas filipino, 13 ang non-APOR, 35 ang health worker, 28 ang pulis at 484 ang local transmission.

Dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 ay muling nagpaalala ang mga kinauukulan sa publiko na sundin ang minimum health standard upang manatiling ligtas sa virus