--Ads--

Tinatayang 4,000 magsasaka at mangingisda sa tatlong bayan sa Isabela ang makikinabang sa cash assistance, livelihood training at iba pang suporta mula sa Australian government para mapatatag ang kanilang kabuhayan.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang nasa Santa Maria at Santo Tomas na bibigyan ng cash assistance at training, habang nasa San Pablo naman ang 2,000 Isabelinos na magkakaroon ng pansamantalang kita sa ilalim ng cash-for-work program.

Itatalaga ang mga benepisyaryo sa rehabilitasyon ng irrigation canals upang mapabuti ang suplay ng tubig sa mga sakahan at mapalakas ang agricultural infrastructure sa lugar.

Makikinabang din ang mga kwalipikadong farmers’ cooperatives and associations sa Santa Maria, Santo Tomas at San Pablo sa tig-isang mobile solar-powered irrigation pump na maaaring gamitin sa mga sakahang malapit sa waterways.

--Ads--

Ang programa ay suportado ng Australia at ipatutupad katuwang ang Food and Agriculture Organization of the United Nations o FAO Philippines, na nakatakdang magsimula sa huling quarter ng 2026 at magpatuloy hanggang 2027.