--Ads--

Arestado ang isang 44-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu at iba’t ibang drug paraphernalia sa isinagawang pagpapatupad ng search warrant ng mga awtoridad sa Mallig, Isabela.

Kinilala ang suspek sa alyas na “Ed,” isang construction worker at residente ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, pinangunahan ng mga tauhan ng Mallig Municipal Police Station, katuwang ang Regional Intelligence Division 2, Provincial Intelligence Unit ng Isabela Police Provincial Office, at Regional Maritime Unit 2, ang pagpapatupad ng search warrant.

Sa operasyon, nasamsam ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang kabuuang bigat na mahigit kalahating gramo at may standard drug price na ₱3,800.

--Ads--

Nakumpiska rin ang dalawang piraso ng aluminum foil strips, isang improvised tooter na may lamang likido, isang walang lamang plastic sachet, at isang transparent glass tube na pinaniniwalaang ginagamit sa ilegal na droga.

Dinala ang suspek sa Mallig Municipal Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at imbestigasyon bago sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.