--Ads--

Muling naaresto ang mag-live-in partners na dati nang nasangkot sa ilegal na droga matapos mahuli sa isang buy-bust operation sa Barangay Bascaran, Solano, Nueva Vizcaya, gabi ng Nobyembre 6, 2026.

Kinilala ang mga suspek sa alyas na Ana, 26-anyos, at Lino, 36-anyos, na kapwa unang naaresto noong 2025 ngunit nakalaya matapos makipagkasundo sa pamamagitan ng plea bargaining sa korte.

Nasa listahan ng Regional Priority High-Value Individuals si alyas Ana, habang kabilang naman si alyas Lino sa Street-Level Individuals.

Narekober sa operasyon ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 3.22 gramo at tinatayang halagang ₱21,896, gayundin ang mga weighing scale, cellphone, pera at iba’t ibang drug paraphernalia.

--Ads--

Samantala, kasama ng babaeng suspek ang kanilang limang-buwang gulang na sanggol nang isagawa ang operasyon. Ayon sa Municipal Social Welfare and Development Office, sasailalim sa assessment ang kalagayan ng bata upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan nito.

Nahaharap ang mag-live-in partners sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 11 at 12 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of