
CAUAYAN CITY – Naitala ngayong araw, November 30, 2020 ang 45 bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) habang anim ang nakarekober.
Labingsiyam sa bagong kaso ang mula sa bayan ng Gamu, 7 sa lunsod ng Ilagan, 5 sa Roxas, tig-apat sa lunsod ng Cauayan at Santiago, dalawa sa San Pablo habang tig-iisa sa mga bayan ng Naguilian, San Mariano, Aurora at Cabagan.
Sa ngayon ay 187 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela na kinabibilangan ng limang Returning Overseas Filipinos, 20 Non-Authorized Persons Outside Residence (APOR), 17 ang mga health worker, 6 ang pulis at 139 ang local transmission.
Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa bahay kung hindi mahalaga ang pupuntahan.










