--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ngayong araw ang bagong 47 na Coronavirus Disease (COVID-19) positive sa Isabela.
Dahil dito ay umakyat na sa 251 ang mga aktibong kaso mula sa 227 kahapon.
Ang 22 ay naitala sa Cauayan City, 11 sa Jones, 9 sa City of Ilagan, 3 sa Santiago City at tig-iisa sa Cabatuan at Naguilian, Isabela.
Sa 251 na active cases ay 6 ang Returning OFWs, 19 ang Non-Authorized Persons Outside Residence, 47 ang health workers, 1 pulis at 178 na nahawa sa local transmission at community transmission.
--Ads--
Patuloy ang paalala ng pamahalaang panlalawigan sa publiko na sumunod sa mga panuntunan at health protocol para maiwasan ang COVID-19.










