--Ads--

Isinusulong sa Sangguniang Panlungsod ng Santiago City ang isang panukalang ordinansa na naglalayong ipagbawal ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na masangkot sa illegal gambling at iba pang laro ng pagkakataon sa lungsod. ‎

‎Sa ilalim ng naturang panukala, maaaring patawan ng kaukulang parusa ang sinumang 4Ps beneficiary na mapatunayang lumabag, kabilang na ang posibilidad na matanggal sa listahan ng mga tumatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaan. ‎

‎Layunin ng ordinansa na matiyak na ang tulong na ibinibigay sa ilalim ng 4Ps ay nagagamit nang wasto at hindi nauuwi sa mga gawaing labag sa batas. ‎

Binibigyang-diin din nito ang responsibilidad ng mga benepisyaryo na gamitin ang ayuda para sa edukasyon, kalusugan, at pangangailangan ng kanilang pamilya. ‎ ‎

Sa oras na maaprubahan, inaasahang magtatakda rin ng malinaw na mekanismo para sa pagpapatupad at monitoring ng mga paglabag, gayundin ang kaukulang parusa para sa mga lalabag. ‎

‎Patuloy namang pinag-aaralan ng konseho ang iba pang detalye ng panukala bago ito tuluyang pagtibayin. ‎ ‎