--Ads--

Ipinakilala ng Filipino singing group na 4th Impact ang kanilang bagong stage name na 4SISTERS bilang bahagi ng kanilang panibagong yugto sa industriya ng musika.

Ang grupo, na binubuo ng magkakapatid na sina Almira Cercado, Irene Cercado, Mylene Cercado, at Celina Cercado, ay inanunsiyo ang kanilang rebranding sa pamamagitan ng isang video na inilabas sa YouTube at Facebook.

Nakilala ang grupo sa buong mundo matapos ang kanilang paglahok sa The X Factor noong 2015.

Ang 4SISTERS na ang ika-anim na pangalan ng grupo, matapos silang makilala noon bilang The Cercado Sisters, The Gollayan Sisters, MICA, 4th Power, at 4th Impact.

--Ads--

Ayon sa grupo, ang pagpapalit ng pangalan ay sumisimbolo sa kanilang pagpasok sa isang new era o panibagong yugto ng kanilang karera.