--Ads--

Isa na namang mapalad na entry sender ang napabilang sa humahabang listahan ng mga Bombo Millionaire. Ang panibagong milyonaryo sa ating promo na Buena Mano Salvo Year 20 ay si Sheryl Tiologo mula sa Bombo Radyo Butuan, residente ng Mati-aw, Bonbon, Butuan City, na gumamit ng proof of purchase na URC-Mr. Chips.

Apat na Regional Prize Winners naman ang nabunot mula sa Luzon, Visayas, Mindanao, at NCR, na tumanggap ng tig-₱50,000 na premyo.

Para sa Mindanao, ang nanalo mula sa Bombo Radyo Gensan ay si Edward Bayato ng Polomolok, South Cotabato, na gumamit ng proof of purchase na Megascent Oil.

Para sa Visayas, ang nanalo mula sa Bombo Radyo Tacloban ay si Ronnie Gallo ng Brgy. Villahermosa, Pagsanghan, Samar, na gumamit ng proof of purchase na Efficascent Oil.

--Ads--

Para sa Luzon, ang nanalo mula sa Bombo Radyo Laoag ay si Vanessa Ballesteros ng Brgy. 1, Laoag City, na gumamit ng proof of purchase na Orocan.

Para naman sa National Capital Region, ang nanalo mula sa Star FM Manila ay si Helen A. Motol, residente ng 90 Upper Molave St., Payatas B., Quezon City, na gumamit ng proof of purchase mula sa Universal Robina Corporation.

Ang Buena Mano Salvo Year 20 ay isa na namang handog-pasasalamat ng Bombo Radyo Philippines at Star FM sa mga tagapakinig mula Luzon, Visayas, Mindanao, at NCR, katuwang ang mga kumpanyang Orocan, Syngenta, Maxicare Clinics, Pioneer Epoxy, Fabriano Appliances, R. Florete Pawnshop and Jewelries Incorporated, URC Products, Megascent Herbascent Oil, at Efficascent Oil.