--Ads--

Sinuspinde ng Indonesia ang isang prison warden at apat pang opisyal matapos matuklasan ang higit 10 luxury apartment-style residence na umano’y ginagamit ng ilang bilanggo sa Cibinong Prison sa Bogor, malapit sa Jakarta.

Ayon kay Rudi Setiawan, inspector general ng Ministry of Immigration and Corrections, sinuspinde ang limang opisyal na itinuturing na posibleng responsable sa insidenteng nadiskubre ng Ombudsman.

Natuklasan ang mga gusali noong Setyembre 23 sa isinagawang surprise inspection. Mayroon itong air-conditioning, malalaking telebisyon, refrigerator, sofa at dining area.

Mayroon ding gym, golf simulator na ginagawa pa at mga mamahaling sasakyan sa compound.

--Ads--

Ayon sa Ombudsman, may matibay na indikasyon na may ilang bilanggo na nakagamit ng mga espesyal na pasilidad na hindi available sa ordinaryong inmates.

Patuloy ang imbestigasyon kung ginawang ilegal na accommodation para sa mga bilanggo ang dating official housing ng mga prison personnel at kung may mga opisyal na tumanggap ng bayad kapalit ng espesyal na pribilehiyo.