--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ngayong araw ang 53 na bagong kaso ng Coronavirus Disease COVID-19 habang dalawa  ang nakarekober  o gumaling.

Ang 18 sa mga bagong kaso ang mula sa Lunsod ng Cauayan, tig-pipito sa San Mariano at lunsod ng Ilagan, anim sa Alicia, apat sa lunsod ng Santiago, dalawa sa Aurora at tig-iisa sa mga bayan ng Angadanan, Cabagan, Ramon, Cordon, Sta. Maria, Naguilian, Delfin Albano, Burgos at Luna.

Sa ngayon ay 235 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela na kinabibilangan ng apat na Returning Overseas Filipinos, 12 na Non-Authorized Persons Outside Residence, 21 na health worker, tatlong pulis at 195 ang local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa bahay kung hindi mahalaga ang pupuntahan.

--Ads--