--Ads--

CAUAYAN CITY – Limamput tatlo ang naitalang bagong positibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa Isabela ngayong Lunes, January 4, 2021.

Dahil dito ay umakyat na sa 281 ang aktibong kaso habang 6 ang mga bagong recoveries o gumaling.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Tumauini na 24, sa Cauayan City ay 10, sa San Mariano ay 6, sa City of Ilagan ay 3,  sa Cabagan ay 2, sa Quezon ay 2,  sa Santiago City ay 2 at tig-iisa sa Burgos, Luna, Cabatuan at Sto. Tomas, Isabela.

Sa mga COVID-19 positive ay 29 ang pulis,  isa ang Returning Overseas Filipino, 19 ang health worker, 6 ang Non-Authorized Person Outside Residenc (Non-APOR) at 231 ang local transmission.

--Ads--

Patuloy ang paalala sa mga mamamayan ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na sumunod sa mga health protocol at huwag lumabas ng bahay kung hindi mahalaga ang gagawin.