--Ads--

CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa Isabela ang 57 ang panibagong nagpositibo sa COVID-19 habang lima naman ang nakarekober.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 10 sa bagong kaso ang mula sa Ilagan City, tig-walo sa Cauayan City at bayan ng Cabatuan, lima sa lunsod ng Santiago, tig-apat sa mga bayan ng Burgos, Echague at Roxas, tatlo sa Cabagan, tig-dadalawa sa Quirino at Aurora habang tig-iisa sa mga bayan ng Angadanan, Luna, Naguillian, Ramon, Sta. Maria, San Manuel at Reina Mercedes.

Sa ngayon ay 366 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela na kinabibilangan ng limang Returning Overseas Filipinos, siyam na non-authorized persons outside residence,41 health worker, apat na pulis habang 307 ang local transmission.

--Ads--

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi mahalaga ang pupuntahan.