
CAUAYAN CITY – Kinumpirma ni Dr. Edwin Galapon, Provincial Health Officer ng Nueva Vizcaya ang pagkamatay ng isa pang COVID-19 positive.
Ang ikaanim na nasawi dahil sa COVID-19 ay si CV854, 50 anyos na lalaki mula sa Lactawan, Solano, Nueva Vizcaya.
Sumakabilang buhay siya dakong 3:35pm kahapon sa Region 2 Trauma and Medical Center (R2TMC) dahil sa severe pneumonia matapos tamaan ng COVID-19.
Samantala, umabot na sa 126 ang COVID-19 positive sa lalawigan matapos na maitala ang bagong 25 na positibo.
Kabilang sa mga bagong COVID-19 positive sa Nueva Vizcaya sina CV888, 10 anyos na lalaki mula sa Quezon, Solano na nahawaan ng kanyang ina na si CV790 at CV785, coach sa isang fitness gym sa Solano.
Si CV889, 27 anyos na lalaki mula Quirino, Solano na nakasalamuha ang COVID-19 positive sa fitness gym sa Solano.
Si CV890, 82 anyos mula sa Poblacion South, Solano na nakasalamuha ang kanyang misis na si CV816.
Si CV891 ay isang babae na taga-bayan din ng Solano.
Si CV892, 8 anyos na babae mula sa San Luis, Solano na nakasalamuha ang kanyang lolo at lola na sina CV 793 at CV 669.
Si CV900, 46 anyos na lalaki mula sa Salvacion, Bayombong ay nakasalamuha ang isang COVID-19 positive.
Si CV901, 29 anyos na babae mula sa District IV, Bayombong na nakasalamuha ang isang COVID-19 positive.
CV 902, 30 anyos na lalaki mula sa Bagahabag, Solano na nakasalamuha ang asawang si CV901.
Si CV904, 20 anyos na lalaki mula sa Magsaysay, Bayombong na nakasalamuha ang amang si CV806.
Si CV905 , 18 anyos na lalaki mula sa Magsaysay, Bayombong na nakasalamuha ang ama na si CV806 at kapatid na si CV904.
Si CV 906, 30 anyos na lalaki mula sa Gabut, Dupax del Sur na isang credit analyst at nagtungo sa mga bayan ng Solano at Bayombong.
Si CV907, 54 anyos na babae mula sa Pogonsino, Bagabag, midwife sa RHU Bagabag at walang kasaysayan ng paglalakbay.
Si CV908, 39 anyos na babae mula Madiangat, Quezon na nagtungo sa isang money remittance outlet sa bayan ng Solano.
Si CV909, 29 anyos na lalaki mula sa Roxas, Solano at nakasalamuha ang ama na si CV668 at pinsan na si CV812.
Si CV910, 34 anyos na babae mula sa Kirang, Aritao, Nueva Vizcaya at nurse sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital (NVPH) at nakaranas ng sipon, ubo at pananakit ng lalamunan.
Si CV911, 34 anyos na babae mula sa La Torre South, Bayombong na nakasalamuha si CV787 at dumalo sa session ng isang fitness gym sa bayan ng Solano.
Si CV912, 64 anyos na lalaki mula sa Bagahabag, Solano.
Si CV913, 9 anyos na babae mula sa Roxas, Solano na nakasalamuha ang ina na si CV832.
Si CV914, 44 anyos na lalaki mula sa Poblacion South, Solano, nursing at attendant na nakasalamuha ang kapatid na si CV915.
At si CV915, 48 anyos na lalaki mula sa Roxas, Solano na nakaranas ng lagnat at ubo.
Patuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga bagong COVID-19 positive sa Nueva Vizcaya.










