--Ads--

Image result for nalunodCAUAYAN CITY – Nasa state of decomposition na ang bangkay ng isang 60 anyos na lolo nang matagapuan na lulutang-lutang sa Cagayan River na sakop ng Barangay Annafunan Tumauini, Isabela.

Kinilala ang namatay na lolo na si Manuel Balabad Jr. na residente ng Carpentero Tumauini, Isabela.

Isang mangingisda ang nakakita sa bangkay ng lolo na palutang-lutang sa ilog kaya agad niyang ipinagbigay alam sa mga otoridad.

Ayon sa mga pulis, pinaniniwalaan na ang biktima ay nalunod sa Cagayan River dahil nawawala siya simula pa noong February 3, 2017.

--Ads--

Ang bangkay ng 60 anyos na lolo ay kinuha na ng kanyang mga kamag-anak sa Carpentero Tumauini, Isabela.