--Ads--

Anim na libong benepisyaryong magsasaka ang nakatanggap ng food assistance ngayong araw sa Gymnasium ng Isabela State University – Cauayan Campus.

Ayon sa mga benepisyaryong nakapanayam ng Bombo Radyo Cauayan, malaking tulong ang naturang ayuda sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, lalo na sa mga pamilyang umaasa sa kita mula sa pagsasaka.

Kabilang sa mga benepisyaryo si Teodulo Gazzingan, isang magsasaka, na nagsabing makababawas sa gastusin ng kanilang pamilya ang natanggap na assistance.

Ayon kay Gazzingan, gagamitin niya ang cash assistance bilang suporta sa kanyang pananim.

--Ads--

Samantala, patuloy na isinusulong ang mga programa para sa sektor ng agrikultura, kabilang ang cash assistance at crop insurance para sa mga kwalipikadong magsasaka.

Layunin ng mga programang ito na matulungan ang mga magsasakang humaharap sa mga suliranin sa produksyon at pang-araw-araw na pangangailangan.