--Ads--

CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw sa lalawigan ng Isabela ang 64 na panibagong kaso ng COVID-19.

Sa inilabas na abiso ng Provincial Government ng Isabela, 23 sa mga bagong kaso ang mula sa Santiago City, 8 sa Luna, tig-aanim sa Cabatuan at Quirino, 5 sa San Isidro, 4 sa Angadanan, 3 sa Delfin Albano, tig-dadalawa sa Cauayan City, Ilagan City at Sto. Tomas habang tig-iisa sa Aurora at Gamu.

Dahil dito, nasa 613 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Tatlo rito ang Returning Overseas Filipino, 12 ang non-authorized persons outside residence, 49 ang health worker, 38 ang pulis at 511 ang mula sa local transmission.

--Ads--

Magandang balita naman dahil 27 ang naidagdag sa mga gumaling.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan.