
CAUAYAN CITY – Naitala ngayong araw sa Isabela ang 68 na bagong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) habang anim ang nakarekober o gumaling.
Sa 68 na bagong kaso ay 35 ang mula sa Santiago City, 13 sa Gamu, tig-tatatlo sa mga bayan ng Echague, Luna, Quirino at City of Ilagan, tig-dadalawa sa lunsod ng Cauayan at Ramon habang tig-iisa sa mga bayan ng Cabatuan, San Isidro, San Mateo at San Mariano, Isabeka
Sa ngayon ay 313 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela na kinabibilangan ng apat na Returning Overseas Filipinos, apat na Non-Authorized Persons Outside Residence, 34 na health worker, apat na pulis habang 268 ang local transmission.
Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga health protocol at huwag lumabas sa bahay kung hindi mahalaga ang pupuntahan.










