--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakulong si dating Justice Secretary ngayon ay Labor Secretary Silvestre Bello III noong panahon ng Martial Law na ipinatupad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Kalihim Bello na marami siyang naging karanasan noon sa Davao City nang ipairal ang Batas Militar.

Naging bahagi siya ng paglulunsad noon ng Welgang Bayan at naging tagapagtanggol siya ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao dahil isa na sa siyang abogado noon.

Kasama sa naging kliyente niya si dating Secretary to the Cabinet Leoncio “Jun”  Evasco Jr. na inaresto at kinasuhan noong Martial law.

--Ads--

Ayon kay Secretary Bello, naranasan niyang makulong noon ng tatlong araw ngunit pinalaya siya matapos mabatid na siya ay isang abogado.

Binanggit pa ni Atty. Bello na nakasama niya noon ang nanay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang Yellow Friday March na natigil lamang noong napatalsik na si Marcos sa Malakanyang.

Tiwala si Kalihim Bello na ayaw ni Pangulong Duterte na maulit ang Martial Law na idineklara noon ni Marcos dahil kaiblang siya sa mga nakipaglaban noon at naging defender siya ng human rights noong siya ay naging fiscal.

Sa panahon aniya ng panunungkulan ni Pangulong Duterte ay prayoridad niya ang peace and order at paglaban sa corruption sa pamahalaan para mapanatii ang tinatamasang demokrasya at kalayaan ng bansa.

Ang pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III