--Ads--

CAUAYAN CITY – Trending sa social media ang inedit na pera na may mukha ni yumaong dating Senador Mirriam Defensor Santiago makaraang ito ay mabanggit sa kanyang sagot sa question and answer portion ng nanalong Miss Universe Philippines 2020 na si Bb. Rabiya Mateo ng Iloilo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Michael Angelo Sarate na tubong Iloilo at gumawa ng pera na may mukha ni Senador Miriam Santiago, sinabi niya na nang mabanggit ni Bb. Mateo ang paglalagay sa mukha ng senadora sa pera ay naisipan niya itong gawin.

Dala na rin aniya ng galak dahil sa panalo ng kanyang kababayan sa Miss Universe Philippines ay gusto niyang ipagmalaki na ang mga ilonggo ay may talento sa iba’t ibang larangan.

Kaya 2,000 ang kanyang inilagay ay dahil may nauna nang gumawa ng dalawang libong design ng pera sa kanilang lugar  pero harap lamang ang ginawa kaya ginawa niya itong back to back.

--Ads--

Akma rin sa sagot ni Bb. Mateo ang Jaro Cathedral na nakalagay sa likod ng pera na gusto niyang mapagandang tourist spot sa kanilang lugar.

Sinimulan niyang gawin ang pag-edit sa pera ng dakong alas diyes ng gabi at natapos ito alas tres na ng madaling araw.

Hindi maipaliwanag ni Ginoong Sarate ang kasiyahan sa nangyari at pagpuri ng mga tao sa kanyang likha na naging viral sa social media.

Pinasalamatan din niya ang kanyang kapatid at mga pinsan na nag-tag sa mga news agencies upang ito ay makita ng maraming tao.

Dati aniya ay friends lamang niya ang nakakakita sa post kaya ito ay inilagay sa public upang maipakalat.

Nagpasalamat din siya sa mga taong nag-share sa kanyang gawa na umabot na sa Luzon.

Ang pahayag ni Ginoong Michael Angelo Sarate