CAUAYAN CITY – Magbibigay ang National Food Authority (NFA) region 2 ng 500 na sako ng bigas sa lahat ng mga bayan at lunsod sa Isabela at Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Elimar Regindin, Acting Assistant Regional Director ng NFA region 2, sinabi niya na dahil sa mga naranasang pagbaha sa dalawang lalawigan sa nagdaang bagyong Ulysses ay mamamahagi sila ng 500 na sako ng bigas bawat bayan at lunsod bilang tulong sa mga mamamayan.
Nakikipag-ugnayan na sila sa mga lokal na opisyal upang maipadala ang tulong na bigas sa lalong madaling panahon.
Ayon kay pa Ginoong Regindin, mabi bigyan lahat ang 37 na bayan at lunsod sa Isabela habang 29 na bayan at lunsod sa Cagayan.
Ang pinakamagandang well-milled rice ang ibibigay ng NFA sa mga LGU’s.
Nagsimula na silang mamahagi sa bayan ng Echague, Angadanan, Ramon at Santiago City.
Nakikipag-ugnayan din sila sa mga coastal towns dahil may bodega ang NFA sa Palanan at doon na kukunin ng mga karatig na bayan nito ang makukuhang 500 na sako ng bigas.












